Miyerkules, Marso 30, 2011

Maayos at Magulong kausap na mga Kliyente

Sadyang masarap matulog dito sa Baguio, madalas tinatanghali na ako ng gising, (6am ). Diba tanghali na yan? Kaya madalas rin akong tinatanghali sa trabaho, kaya nga kanina alas nuwebe ulit ako nakaalis ng bahay papunta ng Buyagan La Trinidad Benguet. Kagabi kasi may nagtext sa akin, tinatanong kung available ako bukas ng alas nuwebe ng umaga ( that means today). Sa unang text pa lang nya ay nalaman ko nang sya yung estudyante na binigyan ko ng calling card sa Buyagan ( mga ilang hakbang lang mula sa Buyagan Baptist Church), dahil nung kamakalawang linggo nirepair ko ang washing machine ng landlady nya. Sya nga pala ang kliyente na maayos kausap, babaeng estudyante sa Benguet State University ( BSU). Nasa boarding house na nya ako at marami silang magkakasama doon, panay babae kaya medyo nakakailang. KENWOOD stereo component ang ipapa-repair, na ang problema ay "no display at hindi gumagana ang cd/mp3/vcd player". Habang inuusisa ko ang stereo component nagtanong ang bata kung magkano raw ba ang magagasto nya at ang sabi ko naman ay siguro gagasto ka ng mga *00 pesos dito, at agad na sumang-ayon ang batang estudyante. Sinimulan kong baklasin ang stereo, at napansin kong pumutok ang dalawang fuse ng power supply, maliban doon marami na ring loose connections na kailangan i-resolder para umayos ulit ang mga koneksyon, hayon, common sense ulit, ang sense na hindi common sa lahat, hehehe. Nagpalit ako ng mga fuse, nag-resolder at saka nilinis ng bahagya at pinagpag ang tapok ( tapok sa ilokano ang alikabok) at ( tapok din sa bulol ang sapok), diba? Habang ginagawa ko ang stereo component may mga dumating pang mga kababaihan na kaedad ng bata, 18- 19 years old, iniisip ko mga kaklase nya pero lumipas ang ilang minuto nag-iensayo sila ng mga kanta, may isa sa kanila na mahusay kumalabit ng gitara, napansin ko rin na mga awiting kristyano ang inaawit nila, so, nagpatuloy ako sa pag-repair ng stereo component habang pinakikinggan ko sila sa salitang iloco at ibaloy naintindihan ko na mayroon silang gagawing music video para sa church nila. Hmm, natapos din at inasembol ko na ang component at saka pinatugtog ng todo, hehe, medyo natigilan sila sa kantahan nila pero agad ko rin naman pinahinaan at pinatay ang stereo saka sinabi sa bata na ayos na ang compo mo sabay abot nya ng bayad at nanginginig pa, hehe, hindi pa sya tumawad, parang namurahan pa sa singil ko. So far, sya ang pinaka-maayos kong katransaksyon na kliyente ngayong taon..

Masayang estudyante, at, as usual masayang Miko.




Hay, heto ang kabaliktaran ng unang kliyente. Ala singko ng hapon may titingnan akong sira na refrigerator sa Wakat Suello Village. Hay nako lang talaga, hindi lang ref ang nasira, pati yung may-ari sira din. Ang hirap kausap, kaya hindi ko tuloy alam kung talaga bang ipapa-repair nya or makikipagdiskusyun lang sya sa akin, dapat pala dito may-ari muna ang i-repair saka yung appliance nya.
Hmm, ito, kaya naman pala ganun ang tono ng pakikipag-usap nya sa akin, dahil may naunang dalawang ref technicians na syang tinawag at sa kasamaang palad perehong nagsamantala ang dalawang mokong, hinuthutan na pala itong si kliyente ng maraming pera, at sa haba ng pag-uusap namin sinabi ko nalang na tawagin nya ulit yung huling gumawa ng ref nya dahil hindi nalang ako makikialam at baka ako pa ang magiging masama sa bandang huli, natural wala syang nagawa sa refusal ko, nagsayang lang ako ng gas papunta doon.
Wish ko lang magawa yung pinakamamahal nyang refrigerator na model 1990's na National ang tatak.
Sana kayong mga may-ari na magpapagawa ng mga appliances nyo, please maging maingat po kayo sa kukunin nyong tekniko para maiwasan po ang abala at aberya sa mga kasangkapan nyo.
At kayo naman mga tekniko na kagaya ko, please lang naman oh hinay hinay lang, wag masyadong timawa o sakim sa pagsingil at kung magbigay ng warranty tuparin nyo naman, at maging totoo kayo sa mga kliyente nyo dahil kapag nagpakita kayo ng gilas sa pag- kumpuni ng gamit nila sila narin mismo ang magkakalat ng maganda ninyong serbisyo sa ibang nangangailangan ng mga tekniko na kagaya natin...
Work ethics lang po mga kaibigan, take note, ethic sa tagalog etiketa hindi itik,,,, duck yun...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento