Sabado, Marso 26, 2011

Unang kwentong tekniko ko.

Alas utso na ng umaga nakahilata pa rin sa kama pilit nilalabanan ang tinatamad na katawan, iniisip kung saang repair ang uunahin, syempre uunahin ko ang pinakamalapit sa aking lokasyon.
At inuna ko nga po ang Sunnyside hill sa Tacay Rd. 230 ang numero ng bahay, natural igorot ang may-ari, ipagagwa nya raw ang panasonic stereo component na gawang Japan ngunit binili sa Saudi.
Nasa bahay na nila ako, as usual syempre before ko binutingting, inalam ko muna ang kunting background kung paano ba nasira, gracious naman ang parokyano kong ibaloy at nagkwento ng mahaba kesyo raw eh padala ng anak nyang nagtatrabho sa Saudi eh dapat daw maipagawa ung component para naman mapakinabangan at nung makita ako nga ung stereo compo eh dapat lang talagang pakinabangan dahil sa ganda ng disenyo at sa ganda ng tunog, akalain mo ba namang gawa sa bansang hapon natural magilas! At marami syang sinabi na hindi ko na ganong maintindihan dahil sa medyo malabong pagkakasabi dala narin ng pangkatutubo nyang accent pero ok lang yun sa akin, syempre hanap buhay ito hindi naman hanap away, hehehehe!
sinimulan kong kalikutin inabot ako ng trenta minutos napansin kong medyo komplekado ang problema at kung ipagpapatuloy ko malamang mauubos ang oras ko at malilibre ang tanghalian ko dahil obligadong pakakainin nila ako pero nagdesisyon ako na i-pull out ung component, at nung binanggit ko sa may-ari na ibaloy agad naman syang pumayag at mapayapang ipinaubaya ang stereo sa akin ang sabi pa nga "wen ading sika ti bahala ijay, agtext ka laangen nu naalpas mo nga arameden". hahaha! saan ka pa ading! Ayon nga inuwi ko na ang problema, dito na sya sa bahay at parang nangungusap na "bilisan mo na i-repair mo na ako gusto ko na umuwi sa bahay ko", syempre sagot ko naman daw kunwari ah, "maghintay ka jan, kung kelan ako gaganahan na butingtingin ka uli saka uli kita bubutingtingin!" (suplado ).

After ko sya inuwi sa bahay dumiretso ako sa pangalawa kong kleyente na nakatira sa kabilang gilid ng bundok ng Quezon hill, as usual igorot na naman isa syang kankana-ey na dati ko nang kleyente nung buwan ng enero. Magpapagawa daw sya ng washing machine LG ang tatak may tagas ang drain, ok lang naman talaga dapat ang drain dahil talagang tagasan yun ng tubig, nagiging masama sa drain kapag patuloy sa pagtagas kahit na hindi mo pa ito dini-drain, diba sayang ang sabon. So, sinimulan kong tingnan ang outlet ng tubig napansin kong malambot ang spring na tumutulak sa goma na sumasara sa outlet ng tubig, hay naku LG kahit kelan talaga mahina kayo sa paggawa ng spring para sa outlet ng mga produkto nyong washing machine, hehehe, kung sabagay pabor yan sa aming mga tekniko legal, ehehe. Ayon common sense nalang, ang sense na hindi common sa lahat, pinalitan ko ng  spring na mas matigas at mas malakas tumulak para sumara ung tumatagas sa outlet ng tubig. Solve ang problema! Masaya ang igorot! At syempre masaya rin ako at maliban sa bayad pinabaunan pa ako ng kahoy na kamote, este! kamoteng kahoy nga pala un, lasang kahoy man kamote pa rin...

Ang pagiging tekniko ko dito sa Baguio ay lubos kong ikinatutuwa, dahil sa mga kleyenteng kagaya nila na marunong umunawa sa mga manggagawa na katulad ko. Mabuhay po kayo sana dumami pa ang tulad nyong parokyano ko....na magbibigay ng kamote na kahoy, tionkz!!!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento