Martes, Marso 29, 2011

Panview TV sa Sa New Lucban at DVD players sa Lower Brookside

Araw ng martes, alas nuebe ulit ng umaga nang dumating ako sa unang repair sa New Lucban, ito ay Panview brand na tv, namatay daw sabi ng may-ari at gusto nyang ipabuhay at nung tiningnan ko, hehehe, patay nga. Patay tayo dyan, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa agad kong trinubol shoot at nakitang sira ang horizontal output transistor,may dalawang lumubo na capacitor, 25volts at 35volts at parehong tag-470microfarrad ( uf).
As usual agad kong ipinakita sa may-ari at agad rin naman nyang binili ang mga pyesa dahil hindi naman kalayuan ng Uptown Electronics ( dealer ng electronics spare parts na kaharap ng SLU main gate) sa New Lucban, at dahil malapit lang naman agad syang nakabalik saka iniabot sa akin ang mga bagong pyesa, napansin ko na may nabago sa isang capacitor, yung dating 35volts ay 50volts na ngayon. Ikinabit ko ang mga pyesa at saka isinaksak sa power outlet, hehehe, buhay ang television masaya ang mag-asawang may-ari at syempre masayang Miko..

After ng repair na yan, pumunta ako sa opisina ng western union hindi para kumuha ng pera kundi para mag-inquire ng biyahe ng super ferry na biyaheng Manila to Puerto Princesa City (aking kinalakhang Lungsod ), napag-alaman ko na may magandang offer sila 2000+ presyo ng round trip ticket para sa June 17- 24, hhmmm, natural para sa taong pangkasalukuyan. Sabi ko nalang sa kahera na babalik ako kapag ok na, pero sa likod ng isip ko ay maghahanap pa ako ng mas magandang offer sa mga airlines naman.


Kasama ko ang isang kaibigan papunta sa isang naka- schedule na repair. Tsk tsk tsk, alam nyo po ba kung ano ang ipapa-repair? Electric grill lang naman, hehehe, hindi na raw kasi nakakapag-ihaw ng isda yung may-ari, (malamang yung walang kakupas kupas na isdang bangus lang naman yun ),  nakakatuwang isipin na pati electric grill ay pinapatos ko na rin, hehehe, prinesyuhan ko sya ng katulad rin ng minimum service charge ko sa mga 14" na television... ok lang naman pala sa may-ari dahil miss na miss na raw nya ang magihaw- ihaw..
Salamat nalang sa kaibigan ko na sinamahan ako papunta sa repair na ito. At ito pa, ang kaibigan ko na ito ay nagugustuhan maging manugang ng kliyente ko na yun, hehehe. Bro kung nababasa mo ito alam mo na kung sino ang binabanggit ko dito, hehehe, yun nga lang ayaw raw nya maging byenan yung kliyente ko, laglag pala si kliyente! hehehe. Anyway, kanya kanya talaga tayo ng taste at mas higit sa taste syempre may prinsipyo, na kahit gaano kaganda ang offer kung hindi kaya ng konsensya mo at higit sa lahat ay taliwas sa sinusunod mong prinsipyo sa buhay ay hindi mo ikokompromiso ang tinatayuan mong prinsipyo. Hehe, seryoso bro ano?

Sa Lower brookside naman tayo. Ang buhay talaga ay parang gulong (Wheel ), minsan nasa ibabaw at minsan nasa gitna at minsan naman ay nasa ilalim. Isang napakakuripot na kliyente ang na-encounter ko. Nagpagawa ng dalawang DVD player ngunit binayaran lang ako ng katumbas ng sebisyo para sa isang player, san ka pa! Minsan talaga mahirap intindihin ang tao, pinagkasunduan naman namin na per unit ang pricing ko sa repair pero sadyang ganito ang buhay ng tekniko, dapat marunong ka magpasensya dahil hindi ka naghahanap- away kundi hanap-buhay, diba? Nasunod ang ale sa gusto nyang presyo pero sinigurado ko na maayos naman ang pakikipag-usap ko sa kanya, hindi ako sumimangot at lalong hindi ko sya tinaasan ng boses. Hoy Bert (kaibigan kong tekniko sa naguilian road ), dapat ganito ka sa mga kliyente mo. 

Umalis ako sa bahay na yun na masaya pa rin dahil may ipapagawa pa daw sa susunod itong si mrs kuripot na taga Lower Brookside, yung ang bahay ay malapit sa tulay, hehehe. Para sa mga kliyente ko at mga magiging kliyente ko pa, gusto ko pong malaman nyo na ako ay matinong tekniko patas kung magpresyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento