Miyerkules, Marso 30, 2011

Maayos at Magulong kausap na mga Kliyente

Sadyang masarap matulog dito sa Baguio, madalas tinatanghali na ako ng gising, (6am ). Diba tanghali na yan? Kaya madalas rin akong tinatanghali sa trabaho, kaya nga kanina alas nuwebe ulit ako nakaalis ng bahay papunta ng Buyagan La Trinidad Benguet. Kagabi kasi may nagtext sa akin, tinatanong kung available ako bukas ng alas nuwebe ng umaga ( that means today). Sa unang text pa lang nya ay nalaman ko nang sya yung estudyante na binigyan ko ng calling card sa Buyagan ( mga ilang hakbang lang mula sa Buyagan Baptist Church), dahil nung kamakalawang linggo nirepair ko ang washing machine ng landlady nya. Sya nga pala ang kliyente na maayos kausap, babaeng estudyante sa Benguet State University ( BSU). Nasa boarding house na nya ako at marami silang magkakasama doon, panay babae kaya medyo nakakailang. KENWOOD stereo component ang ipapa-repair, na ang problema ay "no display at hindi gumagana ang cd/mp3/vcd player". Habang inuusisa ko ang stereo component nagtanong ang bata kung magkano raw ba ang magagasto nya at ang sabi ko naman ay siguro gagasto ka ng mga *00 pesos dito, at agad na sumang-ayon ang batang estudyante. Sinimulan kong baklasin ang stereo, at napansin kong pumutok ang dalawang fuse ng power supply, maliban doon marami na ring loose connections na kailangan i-resolder para umayos ulit ang mga koneksyon, hayon, common sense ulit, ang sense na hindi common sa lahat, hehehe. Nagpalit ako ng mga fuse, nag-resolder at saka nilinis ng bahagya at pinagpag ang tapok ( tapok sa ilokano ang alikabok) at ( tapok din sa bulol ang sapok), diba? Habang ginagawa ko ang stereo component may mga dumating pang mga kababaihan na kaedad ng bata, 18- 19 years old, iniisip ko mga kaklase nya pero lumipas ang ilang minuto nag-iensayo sila ng mga kanta, may isa sa kanila na mahusay kumalabit ng gitara, napansin ko rin na mga awiting kristyano ang inaawit nila, so, nagpatuloy ako sa pag-repair ng stereo component habang pinakikinggan ko sila sa salitang iloco at ibaloy naintindihan ko na mayroon silang gagawing music video para sa church nila. Hmm, natapos din at inasembol ko na ang component at saka pinatugtog ng todo, hehe, medyo natigilan sila sa kantahan nila pero agad ko rin naman pinahinaan at pinatay ang stereo saka sinabi sa bata na ayos na ang compo mo sabay abot nya ng bayad at nanginginig pa, hehe, hindi pa sya tumawad, parang namurahan pa sa singil ko. So far, sya ang pinaka-maayos kong katransaksyon na kliyente ngayong taon..

Masayang estudyante, at, as usual masayang Miko.




Hay, heto ang kabaliktaran ng unang kliyente. Ala singko ng hapon may titingnan akong sira na refrigerator sa Wakat Suello Village. Hay nako lang talaga, hindi lang ref ang nasira, pati yung may-ari sira din. Ang hirap kausap, kaya hindi ko tuloy alam kung talaga bang ipapa-repair nya or makikipagdiskusyun lang sya sa akin, dapat pala dito may-ari muna ang i-repair saka yung appliance nya.
Hmm, ito, kaya naman pala ganun ang tono ng pakikipag-usap nya sa akin, dahil may naunang dalawang ref technicians na syang tinawag at sa kasamaang palad perehong nagsamantala ang dalawang mokong, hinuthutan na pala itong si kliyente ng maraming pera, at sa haba ng pag-uusap namin sinabi ko nalang na tawagin nya ulit yung huling gumawa ng ref nya dahil hindi nalang ako makikialam at baka ako pa ang magiging masama sa bandang huli, natural wala syang nagawa sa refusal ko, nagsayang lang ako ng gas papunta doon.
Wish ko lang magawa yung pinakamamahal nyang refrigerator na model 1990's na National ang tatak.
Sana kayong mga may-ari na magpapagawa ng mga appliances nyo, please maging maingat po kayo sa kukunin nyong tekniko para maiwasan po ang abala at aberya sa mga kasangkapan nyo.
At kayo naman mga tekniko na kagaya ko, please lang naman oh hinay hinay lang, wag masyadong timawa o sakim sa pagsingil at kung magbigay ng warranty tuparin nyo naman, at maging totoo kayo sa mga kliyente nyo dahil kapag nagpakita kayo ng gilas sa pag- kumpuni ng gamit nila sila narin mismo ang magkakalat ng maganda ninyong serbisyo sa ibang nangangailangan ng mga tekniko na kagaya natin...
Work ethics lang po mga kaibigan, take note, ethic sa tagalog etiketa hindi itik,,,, duck yun...

Martes, Marso 29, 2011

Panview TV sa Sa New Lucban at DVD players sa Lower Brookside

Araw ng martes, alas nuebe ulit ng umaga nang dumating ako sa unang repair sa New Lucban, ito ay Panview brand na tv, namatay daw sabi ng may-ari at gusto nyang ipabuhay at nung tiningnan ko, hehehe, patay nga. Patay tayo dyan, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa agad kong trinubol shoot at nakitang sira ang horizontal output transistor,may dalawang lumubo na capacitor, 25volts at 35volts at parehong tag-470microfarrad ( uf).
As usual agad kong ipinakita sa may-ari at agad rin naman nyang binili ang mga pyesa dahil hindi naman kalayuan ng Uptown Electronics ( dealer ng electronics spare parts na kaharap ng SLU main gate) sa New Lucban, at dahil malapit lang naman agad syang nakabalik saka iniabot sa akin ang mga bagong pyesa, napansin ko na may nabago sa isang capacitor, yung dating 35volts ay 50volts na ngayon. Ikinabit ko ang mga pyesa at saka isinaksak sa power outlet, hehehe, buhay ang television masaya ang mag-asawang may-ari at syempre masayang Miko..

After ng repair na yan, pumunta ako sa opisina ng western union hindi para kumuha ng pera kundi para mag-inquire ng biyahe ng super ferry na biyaheng Manila to Puerto Princesa City (aking kinalakhang Lungsod ), napag-alaman ko na may magandang offer sila 2000+ presyo ng round trip ticket para sa June 17- 24, hhmmm, natural para sa taong pangkasalukuyan. Sabi ko nalang sa kahera na babalik ako kapag ok na, pero sa likod ng isip ko ay maghahanap pa ako ng mas magandang offer sa mga airlines naman.


Kasama ko ang isang kaibigan papunta sa isang naka- schedule na repair. Tsk tsk tsk, alam nyo po ba kung ano ang ipapa-repair? Electric grill lang naman, hehehe, hindi na raw kasi nakakapag-ihaw ng isda yung may-ari, (malamang yung walang kakupas kupas na isdang bangus lang naman yun ),  nakakatuwang isipin na pati electric grill ay pinapatos ko na rin, hehehe, prinesyuhan ko sya ng katulad rin ng minimum service charge ko sa mga 14" na television... ok lang naman pala sa may-ari dahil miss na miss na raw nya ang magihaw- ihaw..
Salamat nalang sa kaibigan ko na sinamahan ako papunta sa repair na ito. At ito pa, ang kaibigan ko na ito ay nagugustuhan maging manugang ng kliyente ko na yun, hehehe. Bro kung nababasa mo ito alam mo na kung sino ang binabanggit ko dito, hehehe, yun nga lang ayaw raw nya maging byenan yung kliyente ko, laglag pala si kliyente! hehehe. Anyway, kanya kanya talaga tayo ng taste at mas higit sa taste syempre may prinsipyo, na kahit gaano kaganda ang offer kung hindi kaya ng konsensya mo at higit sa lahat ay taliwas sa sinusunod mong prinsipyo sa buhay ay hindi mo ikokompromiso ang tinatayuan mong prinsipyo. Hehe, seryoso bro ano?

Sa Lower brookside naman tayo. Ang buhay talaga ay parang gulong (Wheel ), minsan nasa ibabaw at minsan nasa gitna at minsan naman ay nasa ilalim. Isang napakakuripot na kliyente ang na-encounter ko. Nagpagawa ng dalawang DVD player ngunit binayaran lang ako ng katumbas ng sebisyo para sa isang player, san ka pa! Minsan talaga mahirap intindihin ang tao, pinagkasunduan naman namin na per unit ang pricing ko sa repair pero sadyang ganito ang buhay ng tekniko, dapat marunong ka magpasensya dahil hindi ka naghahanap- away kundi hanap-buhay, diba? Nasunod ang ale sa gusto nyang presyo pero sinigurado ko na maayos naman ang pakikipag-usap ko sa kanya, hindi ako sumimangot at lalong hindi ko sya tinaasan ng boses. Hoy Bert (kaibigan kong tekniko sa naguilian road ), dapat ganito ka sa mga kliyente mo. 

Umalis ako sa bahay na yun na masaya pa rin dahil may ipapagawa pa daw sa susunod itong si mrs kuripot na taga Lower Brookside, yung ang bahay ay malapit sa tulay, hehehe. Para sa mga kliyente ko at mga magiging kliyente ko pa, gusto ko pong malaman nyo na ako ay matinong tekniko patas kung magpresyo.

Lunes, Marso 28, 2011

Whirlpool poolwhirl_dryer

9 o clock na ng umaga papunta ako sa ini-schedule kong repair sa Bokawkan, pagdating ko sa bahay ng kliyente na magpapagawa ng spinner agad na bumungad sa akin ang isang lalaki mula sa loob ng nasabing bahay napansin ko maraming kulang na ngipin sa harap, at agad na nagtanong "ano foh yun?" sagot ko naman, kayo po ba yung magpapagawa ng spinner? sumagot, "ano va yung sfinner?", yung spinner po sagot ko naman, pero kapansin pansin ang parang nagtatanong pa rin na expression ng mukha ng mama at sumagot ulit "ah yun va yung sa comfuter?", tiningnan ko nalang sya at nag-pause ako saglit sabay sambit na, yun po yung kasama ng washing machine, gusto ko pa sana i-explain ng todo pero sumagot yung mama na "ah, alam ko na, yun fala yun", pero nung tinitingnan ko sya mukhang confused pa rin sya, parang gusto ko tuloy syang tanungin kung taga saang planeta ba sya pero nahiya naman daw ako ah at baka mabugbog nya ako sa oras na yun..

Naghintay pa ako ng bahagya at ti-next ko uli yung magpapagawa ngunit hindi nagre-reply, mayamaya pa ay may dumating na ale mukhang kagagaling sa pamamalengke dahil sa mg bitbit nitong groceries at ilang gulay. Dala ng pagiging Pilipino (hospitable ) ng lalaking may mga kulang na ngipin sa harap ay agad syang nagtanong sa aleng kararating lang na kung kilala daw ba nya kung sino ang magpapa-repair ng spinner, sumagot ang ale, "hindi ko kilala, pero baka sila yung nakatira sa pangalawang palapag ng bahay, teka lang saglit papanikin ko at tatanungin", ika ng ale sa akin. Umakyat nga po ang ale at hindi nagtagal ay bumaba sya na kasama ang isang lalake, agad na nagsalita ang lalake "kuya ako po yung magpapa-repair". Agad akong nagpasalamat sa ale at sa mama na may mga kulang na ngipin sa harap, at sabay ngiti sa kanila na para bang ipinakikita ko sa mama na, heto kumpleto pa ang ngipin ko sa harap wala pang kulang oh. hehehe, mang-inggit daw ba.. Tama bang ugali yun? Hehe, anyway, pumanik ako kasama ng may-ari ng spinner at dinala ako sa sirang dryer, hmmm, dryer pala na ang brand ay Whirlpool dahil ang buong akala ko spinner lang. Agad kong binuksan ang pang-itaas na cover ng machine at nakita kong wala na yung drum-belt nya, agad ko ring ipinakita sa may-ari na nagmumukhang guilty nang mga sandaling yun, hehe, sa loob loob ko lang sya ang nakasira. After nun binuksan ko rin ang panglikuran na cover at sabay dukot ko sa loob ng naputol na drum-belt, agad tiningnan at inobserbahan kung paano sya naputol, at napansin ko na parang nasunog ang drum-belt. Hmmm, ang conclusion ko ay nag-overload sila sa drum ng dryer kaya hindi maiikot ng drum-belt ang drum kaya sa patuloy na ikot ng motor uminit ang bahagi ng drum-belt na nakakabit sa shaft ng motor na syang ikinaputol nito. Hehe, simple analogy, diba?
Tumawag ako sa supplier ng mga pyesa ng Whirlpool products at napag-alamang 1,800 ang presyo ng ganung klaseng drum-belt. Agad kong sinabi sa may-ari at mapayapang kumuha ng pera na pambili ng pyesa at saka iniabot sa akin, sa madaling salita ako pala ang bibili at kukuha ng pyesa sa Whirlpool spare parts dealer na dito lang rin sa gawing ibaba ng Bokawkan road. Pagkakuha ko ng drum-belt agad kong ikinabit sa dryer ang drum-belt, madali syang naikabit dahil hindi naman ganun kakomplekado ang disenyo ng Whirlpool dryer, nga lang kapag hindi ka maingat sa pagbaklas ng sheet na pinagkakabitan ng heater eh maaring masugatan ka sa kamay, kaya kailangan ng extra ingat sa gawaing ito. Pagkatapos kong ikabit ang drum-belt agad ko rin ibinalik sa pagkakaayos ang heater assembly at saka iti-nest. Agad na gumana hanggang sa uminit na rin ang hangin na ibinubuga ng makina sa exhaust, indikasyon na fully fixed na ang machine, successful!. At teka muna, ngunit, subalit, heto pa, napansin ko na sa gawing kinalalagayan ng motor ay may pugad ng daga at hindi lang sya basta pugad, may laman ang pugad na kung tawagin ay "kansuswit", heheh, sanggol na mga daga, medyo kadiri pero napilitan din akong dakutin ang pugad daga gamit ang plastic bag...

Lesson naman po sa mga may gamit na ganun, please pakilinisan naman po at wag hayaan ang mga dagang katulad ni Jerry na pamahayan ang inyong mga mamahaling kasangkapan sa bahay dahil madalas ang mga katulad ni Jerry o ni Dodeng daga ang sumisira ng mga kasangkapan natin sa bahay, kung maari mag-alaga ng mga pusa na kagaya ni Tom, kahit my pagka-engot at least patuloy na nanlalaban kahit na laging bugbog at talunan, hehe.

Nakita ng may-ari na ayos na ang dryer nya at kinompirmang ayos na nga ito. Dala ng pagkatuwa agad nitong iniabot sa akin ang service charge at saka ko sya sinuklian ng calling card, hehe, calling card para sa susunod hindi na sya mahihirapang maghanap sa dyaryo or sa website ng www.mybaguio.biz ng mga teknikong kagaya ko...
Agad akong umalis at bumaba sa unang palapag ng bahay. Iniisip ko pa rin yung mama na may mga kulang na ngipin sa harap ngunit hindi ko na sya nakita muli, sayang! ngunit nanadoon pa rin ang ale nakaupo sa labas ng bahay at nagbabantay sa mumunting sari-sari store, inabutan ko sya ng calling card at saka ako nagpasalamat muli at umalis...
Isang masayang kliyente at masayang Miko, ngunit malungkot na inahing daga...

Sabado, Marso 26, 2011

Unang kwentong tekniko ko.

Alas utso na ng umaga nakahilata pa rin sa kama pilit nilalabanan ang tinatamad na katawan, iniisip kung saang repair ang uunahin, syempre uunahin ko ang pinakamalapit sa aking lokasyon.
At inuna ko nga po ang Sunnyside hill sa Tacay Rd. 230 ang numero ng bahay, natural igorot ang may-ari, ipagagwa nya raw ang panasonic stereo component na gawang Japan ngunit binili sa Saudi.
Nasa bahay na nila ako, as usual syempre before ko binutingting, inalam ko muna ang kunting background kung paano ba nasira, gracious naman ang parokyano kong ibaloy at nagkwento ng mahaba kesyo raw eh padala ng anak nyang nagtatrabho sa Saudi eh dapat daw maipagawa ung component para naman mapakinabangan at nung makita ako nga ung stereo compo eh dapat lang talagang pakinabangan dahil sa ganda ng disenyo at sa ganda ng tunog, akalain mo ba namang gawa sa bansang hapon natural magilas! At marami syang sinabi na hindi ko na ganong maintindihan dahil sa medyo malabong pagkakasabi dala narin ng pangkatutubo nyang accent pero ok lang yun sa akin, syempre hanap buhay ito hindi naman hanap away, hehehehe!
sinimulan kong kalikutin inabot ako ng trenta minutos napansin kong medyo komplekado ang problema at kung ipagpapatuloy ko malamang mauubos ang oras ko at malilibre ang tanghalian ko dahil obligadong pakakainin nila ako pero nagdesisyon ako na i-pull out ung component, at nung binanggit ko sa may-ari na ibaloy agad naman syang pumayag at mapayapang ipinaubaya ang stereo sa akin ang sabi pa nga "wen ading sika ti bahala ijay, agtext ka laangen nu naalpas mo nga arameden". hahaha! saan ka pa ading! Ayon nga inuwi ko na ang problema, dito na sya sa bahay at parang nangungusap na "bilisan mo na i-repair mo na ako gusto ko na umuwi sa bahay ko", syempre sagot ko naman daw kunwari ah, "maghintay ka jan, kung kelan ako gaganahan na butingtingin ka uli saka uli kita bubutingtingin!" (suplado ).

After ko sya inuwi sa bahay dumiretso ako sa pangalawa kong kleyente na nakatira sa kabilang gilid ng bundok ng Quezon hill, as usual igorot na naman isa syang kankana-ey na dati ko nang kleyente nung buwan ng enero. Magpapagawa daw sya ng washing machine LG ang tatak may tagas ang drain, ok lang naman talaga dapat ang drain dahil talagang tagasan yun ng tubig, nagiging masama sa drain kapag patuloy sa pagtagas kahit na hindi mo pa ito dini-drain, diba sayang ang sabon. So, sinimulan kong tingnan ang outlet ng tubig napansin kong malambot ang spring na tumutulak sa goma na sumasara sa outlet ng tubig, hay naku LG kahit kelan talaga mahina kayo sa paggawa ng spring para sa outlet ng mga produkto nyong washing machine, hehehe, kung sabagay pabor yan sa aming mga tekniko legal, ehehe. Ayon common sense nalang, ang sense na hindi common sa lahat, pinalitan ko ng  spring na mas matigas at mas malakas tumulak para sumara ung tumatagas sa outlet ng tubig. Solve ang problema! Masaya ang igorot! At syempre masaya rin ako at maliban sa bayad pinabaunan pa ako ng kahoy na kamote, este! kamoteng kahoy nga pala un, lasang kahoy man kamote pa rin...

Ang pagiging tekniko ko dito sa Baguio ay lubos kong ikinatutuwa, dahil sa mga kleyenteng kagaya nila na marunong umunawa sa mga manggagawa na katulad ko. Mabuhay po kayo sana dumami pa ang tulad nyong parokyano ko....na magbibigay ng kamote na kahoy, tionkz!!!!!