Sabado, Abril 2, 2011

Turn- table sa Legarda Extension

Isang lumang Panasonic stereo component model early 90's, hindi gumagana ang Turn- table, radio at Cassette tape player. Repair ko ito last week pa na binalikan ko lang nung Wednesday at ipinabili sa may- ari ang mga pyesang kailangan. Mga integrated circuit ( IC) para sa radio tuner, rubber belt para sa cassette tape player, at needle para sa turn- table, hehehe, akalain mo, meron pang available na needle para sa turn- table. Ang turn- table nga po pala o mas kilala sa tawag na Phono player ay ang lolo ng mga CD players ngayon at lolo sa tuhod ng mga DVD players. Kung ang mga CD, VCD at DVD players ay gumagamit ng laser beam para mabasa ang mga music at video data sa CD na ini- enjoy atin sa araw- araw, ito namang turn- table ay gumagamit ng synthetic diamond na nakahugis karayum na sya namang kumakapa sa mga nakaukit na audio data sa plaka na bumubuo ng vibration sa needle na syang nagre- reproduce nito into sound signal papunta sa pre- amp to main amplifier papalabas sa mga speakers nito.
Kaninang umaga ikinabit ko ang needle para sa turn- table, medyo gumawa nga lang ako ng modification para maikabit yung needle dahil para sa ibang modelo ng phono player ang needle na nabili ni lolo, nakakamangha lang dahil gumana naman ng maayos ang phono player, isa pang nakakamangha ay ang linis at ganda ng tunog na nagmumula sa phono player. Ang cassette player at tuner ay may problema pa na dapat kong balikan next time..
Good thing is, mabait ang may- ari, nagpa- snack, nagpa- lunch at higit sa lahat nagbayad pa, san kapa! Sarap mabuhay talaga kapag wala kang kinatatakutan na mga kliyente. Salamat po sayo lolo sana mabasa mo ito.
Masaya si Miko!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento