Huwebes, Mayo 29, 2014

BAGUIO REPAIR HOME SERVICE AND ENGINEERING SERVICES

I REPAIR
 
REFRIGERATOR
FREEZER
AIRCON
LCD TV
LED TV
CRT TYPE TV
WASHING MACHINE,
MANUAL & AUTOMATIC.

WE ALSO DO
HOUSE AND CAR PAINTING
CARPENTRY
PLUMBING
CONSTRUCTION JOBS

ALSO ACCEPT
HOUSE ELECTRICAL WIRING/ REWIRING (major and minor).

NOW ACCEPTS STAINLESS WORK ( railings, etc)

FABRICATION AND INSTALLATION OF WATER TANKS

Been servicing in Baguio and Benguet since 2001

call or text Mike:
0927-415-2339 globe
0939-293-0195 smart

warranty on my repairs

Huwebes, Abril 24, 2014

Update lang po para sa inyo na nag aabang ng Blogs ko

Gusto ko lang po munang magpasalamat sa inyo na nagbabasa ng aking Blogs dito, di ko po akalain na may mga sumusubaybay pala ng aking mga Kwentong Tekniko...

Sa nakalipas pong tatlong taon ay marami nang nangyari sa buhay ko, marami nang natutunan sa buhay, mas dumami na ang aking inaalok na serbisyo at higit sa lahat nagkita na rin kami ng babaeng aking makakasama ng habang buhay, ( habang buhay, dahil kapag patay na ililibing na, di na pwedeng samahan sa libingan).. Ikinasal po kami noong May 18, 2013, at kasalukuyan pong gumagawa ng anak, mag iisang taon na nga po kaming gumagawa pero wa pa din, may nag advice sa amin na wag daw kaming magsasawang gumawa ng anak dahil kapag nagsawa daw kami eh mas lalong walang darating na anak sa aming dalawa, hahaha!

Ah, hanggang dito nalang po muna dahil sa kabusyhan ay tatakbo na muna ako sa isang trabaho..
Next time po ipapakita ko ang mga bagong serbisyo na aking ibinibigay, muli maraming salamat at mabuhay po kayo, ang lahing Pilipino!

Miyerkules, Mayo 18, 2011

Petican

Ang Petican:

  1.  Isang sitio sa purok Salapsap sa baranggay Tinongdan, Munisipyo ng Itogon, Probinsya ng Benguet.
  2. Nasa tabing ilog na kung tawagin ay Binga, na nagpupuno sa mga dam ng Binga at San Roque.
  3. May lower at may upper, (lower Petican at upper Petican ).
  4. Napapalibutan ng matatarik na bundok.
  5. May lumang metal hanging bridge.
  6. Maraming puno ng mangga at kape.
  7. Tirahan ng mga Ibaloi.
  8. Taniman ng Kintuman rice ( traditional variety, 6mos ang maturity ).
  9. Tahimik na lugar at ideal tirahan kung type mong takasan ang polusyun ng syudad.
  10. Karamihan ay pilipit magsalita ng tagalog.
  11. Wala pa akong nakitang nag-ngunguya ng nga-nga.
  12. Dalawang channels lang ng TV ang nasasagap, ang lalabo pa ( GMA at ABS-CBN!
  13. Smart ang dominant network, ang Globe ay pasumpong sumpong lang, yung tipong paaakyatin kapa sa puno ng mangga para makasagap ng malakas na signal. Natural walang Sun, asa ka pa!
  14. May ospital dito, daig pa ang Poblacion or sentro ng Itogon.
  15. Attraction ang nagagandahang locals dito (ladies lang, never mind men ).


Narating ko ang malayung lugar na ito nang dahil sa repair home service na inaalok ko dito sa Baguio at nearby Benguet areas, (take note, nearby ha pero 1 and a half hour ko minotor :( ), good thing is sementado na ang kalsada kahit na may mga pailan-ilang landslide spots. Ito yung tipo ng lugar na hindi man lang dinadalaw ng mga technician sa Baguio.
Sa dalawang beses kong pagdalaw dito ay hindi ko pinagsisihan, kahit na hindi naman ganun kalaki ang kinita ko ay ramdam ko ang kapayapaan sa lugar at ang kabutihan ng mga locals dito, hindi man sila ganun ka-expressive dahil nga hirap silang managalog at hirap pa din akong mag-ilocano ay dama ko na welcome ako sa lugar na ito..
Babalik pa ako dito next time....

Lunes, Mayo 2, 2011

Freedom Of Spit

Ang hirap mag-motor dito sa Baguio, maraming beses na akong muntik muntikang maduraan ng mga drivers na nag-ngunguya ng nganga. Nung isang linggo may repair ako sa KM 3 LTB, habang binabaybay ko ang Magsaysay may sinusundan akong jeep na biyaheng Wangal at nang bumabagal ang takbo nito, nag-decide ako na mag-overtake pero nung aarangkada na sana ako at naka buntot na ako ay biglang dumura yung driver ng jeep. Shocks! Hindi ko malaman kung bulag yung driver at hindi man lang nya ako nakita sa side-mirror nya or talagang ayaw nya lang ako paunahin. Hay! talaga lang, sa ganitong mga situations kailangan mo talaga ng maraming pasensya sa katawan, at sa mga kagaya kong madalas nasa lansangan dapat magbaon tayo ng maraming pasensya sa katawan, dahil kung hindi madalas tayong may masigawan na mga balasubas na tsuper. Ok lang sana kung sigaw lang, pano naman kung mas higit pa doon!....

At nung nakaraang Thursday lang, kagagaling ko sa Acupan, as in sa turning point ng mga jeep sa Acupan, sa loob yun ng gold-mining. This time pauwi na ako sa Baguio, at nung malapit na ako sa gate ng PMA ( Philippine Military Academy) ay may papasalubong akong FX taxi, nung papalapit na ang taxi sa akin biglang may lumipad na namumuong mapulang liquid sa right front- window ng taxi, hahah! saka ko na-realize na dura na naman yun na pinakawalan ng taxi driver na nag-ngunguya ng nganga. Muntik- muntikan kong masapo ang mapulang dura. Ulit, sa ganitong pagkakataon madaling umiinit ang tenga ko, feeling ko tuloy talaga na maraming dugyot na driver dito sa Baguio, at sa pagkakataon na ito parang gusto kong habulin yung taxi at pagsabihan ng pasigaw yung driver na yun, ngunit ayaw ko ng away, kaya nag- decide nalang ako na dumiretso na lang pauwi at baka mapaaway ako sa walang kwentang away. Hehehe.

Please lang po mga kambing, este, mga drivers na nag-nganganga, kunting disiplina lang po at concern sa ibang tao na pwedeng maduraan nyo. Sinasadya man o hindi, syempre maliban sa yucky yung dura nyo eh mantsa rin yan sa damit, diba? Hindi nyo ba pwedeng ilunok nalang yang mga dura nyo? Total naman diba gamot daw yan sa sikmura, para hindi kayo mamura ng iba, ilunok nyo nalang...

Biyernes, Abril 15, 2011

General Electric (GE)

Alas sais palang ngayon, nakahilata pa sa higaan ngunit gising na rin naman. At walang repair na naka-schedule ngunit may dalawang back-job na kailangan kong puntahan mamayang hapon. Hmmm, ganito talaga ang buhay ng freelance technician, kapag walang repair medyo magtatamad tamaran ngunit kapag maraming tawag, hindi rin naman magkanda ugaga sa pag-schedule at pagtrabaho. Pero mas gusto ko na ito kesa naman sa dati kong employer sa gitnang-Luzon, maliban sa maraming boss eh madalas ang karamihan sa kanila mga bugnutin at demanding, hindi naman sa against ako sa mga boss, ang ayaw ko lang naman kapag nakahanap ka ng katapat na boss na bosabos, syempre ibang usapan na yun. Ngunit sa kabilang banda eh, hindi ko rin masisisi ang mga yun kung bakit sila nagkakaganun, may mga boss din kasi sila na madalas pini-pressure din sila, kaya, natural domino effect, hahaha. Yan ang parang hindi ko kayang maintindihan sa ngayon, parang unfair eh, sa tingin ko.Ganun pa man, hindi sa kanila iikot ang storya ko, kahit na medyo umikot na nga pala, hehehe.

Kahapon ng umaga, ng ganitong oras din may tumawag na parang nagmamadali na ipasimpa kano jay ref na, haha ilokano, ang ibig sabihin ipapagawa daw ang ref nya, at ang sabi pa ay recharging lang ng freon gas, kailangang kailangan dahil may mga guest sila na may dalang mga gamot na hindi pwedeng magtagal sa labas ng refrigerator. Mga past seven o clock na ng dinaanan ko si Bert-tek sa shop at mabuti naman at laging game at ready itong kasangga kong tekniko na ito. Agad naming pinuntahan ang address ng tumawag at medyo naligaw kami ng konte dahil sa na-confuse ako sa address na sinabi, Leonard Wood loop road daw, eh ang nasa isip ko Leonard Wood road lang, hahaha, so, nung una naghanap lang kami along Leonard Wood road, not realizing na may Leonard Wood Loop road din pala. At mabuti nalang hindi nagtagal ang paghahanap namin, dahil kapag nagtagal pa baka kami ni Bert-tek ang hindi makatagal. Doon lang pala sa malapit sa tulay ng Leonard Wood road ang Leonard Wood Loop road, adjacent sya ng street entrance ng Teachers Camp.
May loop road pala doon na ang kabilang dulo ay sa kanto ng Leonard Wood road at Gen. Luna. Pagkakita namin ng bahay ay nakaabang na agad ang may-ari sa gate, may pasyente pala silang tinamaan ng gout, injured ang pasyente, may bali sa right ankle nya. Isang dambuhalang babae, siguro yun ang dahilan kaya nabali ang ankle nya, kaya kami ni Bert-tek ay napatulong pa sa pagbuhat sa babaeng yun para isakay sa kotse.... at talaga namang mabigat sya ha, tatlo na kaming lalaki ang nagbuhat ngunit feeling ko naihi yung isang manong na humingi ng tulong sa amin. After namin isakay sa kotse ang ale agad na rin kaming tumungo sa ref na hindi lumalamig, si Bert-tek ang nag-check,,,, natural! tiningnan nya ang relay switch at overload na nakakabit sa motor, at nadetect agad nya na sira ang relay switch, so, tinry nyang i-bypass ang relay, ngunit talagang namamatay ang motor. So, hindi sa freon gas ang problema, nasa motor pala ang depekto. Sinabi namin sa owner na motor ang problema, ngunit pinakansela muna ng may-ari ang repair dahil itatakbo raw nila sa Manila ang pasyente, we'll just call you again as soon as we come back to the mountains.. Nose-bleed kami ni Bert-tek. Anyway, thanks po, sana gumaling yung pasyente nila, at kasunod din nun ang paggaling ng refrigerator nila....

Ganito ang pagiging freelance technician dito sa Baguio, iba't ibang encounters at iba't ibang tao sa iba't ibang pagkakataon. Dapat laging ready to lend a hand to the needy.....Astig!! hehehe

Huwebes, Abril 14, 2011

Singer sa Irisan

Hindi ito tungkol sa taaong kumakanta kundi ito po ay tungkol sa TV na ang brand name ay Singer.
Ang singer sa pagkakaalam ko noon ay sewing-machine lang pero nitong mga 1990's to early 2000 nagpakilalaa rin ang mga TV, Ref, Washing-machine, Stereo-component at Electric-fan na singer ang tatak. Ngayon sa pambihirang pagkakataon ay napunta ako sa isang bahay dito sa Irisan na ang halos lahat na gamit ay singer ang tatak, mula sa ref, tv, at washing machine, gusto ko rin sanang tanungin yung may-ari kung singer din sya, hehehe, pero nahiya naman daw ako, pero napansin kong kumakanta ang may-ari habang nire-repair ko yung tv nila. At sa tv na ito tatakbo ang kwento ko, pambihirang tv. Tuesday ng gabi may natanggap akong inquiry, nagtatanong kung magkano ang service-charge ko sa tuner na may loose connection daw, agad kong sinagot ang inquiry sabay sabi sa presyong angkop para sa ganun kadaling problema.

Minsan talaga nakaka-encounter ako ng inaakala kong madaling trabaho pero pala mahirap sa actual, at minsan din naman nakaka-encounter ako ng inaakala kong mababait na kliyente pero pala may nakatagong sira sa likod ng mga tawag at texts. Ngunit sa pagkakataong ito mabait ang may-ari ngunit salbahe ang TV, hehehe, yung inakala namin ng may-ari na madali dahil loose connection lang ay hard trouble pala, hard trouble dahil hindi ko makitakita kung saang pyesa ang naglo-loose, ni-resolder ko na't lahat-lahat ay lumilitaw pa rin ang problema. Ang problema ay nawawala ang channel 10 at 12 kapag gagalawin ang sugpungan ng tuner sa likuran ng tv ay lumilitaw uli ang channel 10 at 12. Hay problema nga ito mga friends, at problema nga talaga dahil inabot ako ng apat na oras sa kabubutingting nitong makulit na tv na ito, ayaw ko syang lubayan hangga't hindi sya tumino kagaya ko,,,,,,,,,,,,, toink! Tuloy cancel na rin ng isang repair ko sa Maria Basa.
Ngunit umayaos din naman sya nung nilinisan ko ang main-board nito gamit ang laquer-thinner, salamat sa laquer-thinner na naitabi ng may-ari, malaking tulong yun kaya umayos ang tv nya. So hindi lang loose connection, marumi rin pala. Alas dose na nang natapos ko ito ngunit may kapatid pa palang tv ito na sira rin, at ang sira naman ay "one horizontal line" sa gitna, umaapila ang may-ari na gawin ko rin daw, eh ako naman ay madaling kausap kaya ginawa ko naman ito, trabaho eh. Mabuti nalang po at hindi kasing salbahe ito ng naunang tv, purely loose connection lang talaga sya.
Past 12 na nang matapos ko ang mga Singer na TV, lahat sila ay tumino sa mga kamay ng matinong tekniko.

Lunes, Abril 11, 2011

Samsung Refrigerator/ back-job

Ito po yung dati kong ni-repair noong April 2 sa Bakakeng, nag back-job. Medyo sumasakit daw ang ulo ng may-ari, hindi dahil sa walang laman ang ulo nya, kundi lagi raw nago-off ang ref nya at madalas naglalawa ang kusina nila tuwing umaga dahil sa gabi namamatay ang ref at hindi naman daw nya pwedeng bantayan ng 24/7 ang ref nya para lang i-on ito kapag nago-off. Hehe, nga naman ano. Hay, ang sakit nga naman sa noo dahil back-job nga lalo pa eh bagito pa lang ako sa pagbubutingting ng ref at nagkataon pa na Samsung medyo maselan po kasi ito. Pero mabuti nalang may friend akong bihasa sa pag-repair ng mga ref, sya nga po pala si Bert-tek na may shop sa Naguillian road, Bert-tek ang tawag ko pero Bert lang talaga ang name nya, hmm Bert-tek dahil may mga pagkakataon na kapag pumupunta ako sa shop nya ay lasing sya. Sa Ilokano kasi bartek ang lasing, kaya yun nakaisip ako ng rhyme sa pangalan ni Bert, Bert-tek. Tinanong ko itong si Bert-tek kung papano gawin dahil namamatay daw at kailangan pihitin ulit ang knob ng defrost timer sa likod para umandar ulit. So, dahil sa kaibigan ko at suki ako ng mga tinda nilang pyesa ay tinuruan nya rin ako kung paano itama ang ganung problema. Ayon kay Bert-tek, dapat daw na linisin ang mga contacts ng switch ng defrost timer. Agad naman akong pumunta sa Bakakeng para gawin ang nasabing ref, dinatnan kong wala ang may-ari tanging ang kasama lang nila sa bahay ang naabutan ko doon. Mabilis kong tinanggal ang defrost timer sa likod at agad na kinalas para makita ko ang mga contacts ng switch, at hindi nga nagkamali si Bert-tek sa pagturo dahil talaga nang kailangan nang linisin ang tatlong contacts nito, so, kinaskas ko ng bahagya at medyo binaloktot ko ang mga ito para mag-abot ang mga contacts, mabilis ko itong natapos dahil hindi naman kahirapan itong gawin at i- assemble ulit at agad ko ring naikabit ito sa likod ng ref. Umandar ang ref ng tuloy- tuloy, namamatay lang kapag kailangang gumana ulit ng defrost timer at kapag tapos na sa oras ang timer agad namang nago-on ang ref ng kusa....

Mga alas onse ng umaga ko natapos ang trabaho, akala ko tapos na ako, nang biglang nagkwento itong kasama nila sa bahay, nagkataon namang bisaya sya, at ako naman dahil sa marunong din mag-bisaya dahil may dugo rin naman talaga akong bisaya pinaunlakan ko sya at pinakinggan ko ang kwento. Hehe, as usual problemang puso na naman, ito palang si Inday ay isa nang nanay na nanggaling pa sa Surigao (isang probinsya sa gawing north-east ng Mindanao). Ang pagiging nanay nya ay hindi sinasadya at dahil dito hindi sila nagkakaintindihan ng nanay nya. Hmmm, tama na nga ito mukhang nagiging tsismoso na ako, akin nalang itong ibang nalalaman ko tungkol kay Inday. Kaawaawa din talaga itong si Inday na may problema sa puso, naisip ko tuloy sana marunong din akong mag-repair ng puso, hahahay!